Responsableng Kandidato campaign ng COMELEC, matagumpay na isinagawa sa Iloilo City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na isinagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang #ResponsablengKandidato campaign sa pamamagitan ng isang forum na ginanap isang mall sa Iloilo City.

Mga aspiring candidates at mga opisyales ng Sangguniang Kabataan at Barangay ang nakilahok sa nasabing aktibidad ng ahensya.

Ayon kay COMELEC 6 Regional Director Atty. Dennis, layon ng forum na mapalaam sa mga participants ang mahahalagang impormasyon sa nalalapit na Barangay at SK Elections (BSKE).

Ito ay para malaman ng mga participants ang mga bawal at pwedeng gawin sa pagtakbo sa eleksyon.

Tinalakay sa forum ang mga guidelines sa pag-file ng certificate of candidacy (COC), mga paalala sa halalan at pag-file ng statement of contributions and expenditures sa oras na matapos ang eleksyon.

Bukod sa forum, binuksan rin ng COMELEC nga mini-photo exhibit kung saan ibinida ang evolution ng eleksyon sa bansa.

Nagpapasalamat naman ang COMELEC-6 sa lahat ng lumahok na bahagi rin ng kanilang hangarin para sa maayos at payapang halalan. | ulat ni Paul Tarrosa| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us