Nagpaabot ng pagbati ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga bagong batch ng graduates sa ilalim ng Volunteer Ambassador Externship Programme.
Layon ng nasabing programa na ihanda ang mga kalahok bilang mga epektibong tagapagtaguyod ng diplomasya, ipaalam ang mga naghihintay na career opportunities sa larangan ng diplomacy, at ihanda sila sa pagkuha ng DFA Foreign Service Officer Examination.
Aabot sa 38 na mga undergraduate student mula sa iba’t ibang pamantasan ang nagtapos sa nasabing programa, kung saan kinumpleto nila ang mga serye ng modules na may kinalaman sa diplomacy, foreign policy, foreign service, national security, at marami pang iba.
Hinihikayat ni Diplomatic League (D-League) Adviser at DFA Undersecretary Jesus “Gary Domingo ang mga nagsipagtapos, na ipagpatuloy ang pagsusulong ng “Universal Diplomacy” sa pipiliin na larangan na kanilang tatahakin.
Inanunsiyo rin ni Undersecretary Domingo, na nakatakda muli magsagawa ng isa pang Volunteer Ambassadors Externship Programme ang DFA at ang D-League ngayong taon, at iniimbitahan rin ang batang international affairs enthusiasts na sumali. | ulat ni Gab Villegas
📸: DFA