Naipresenta na kapwa sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang tungkol sa media literacy.
Pahayag ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa gitna ng minimithing mailakip sa curriculum ng Department of Education (DepEd) ang Media and Information Literacy.
Ayon kay Undersecretary Maralit, ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap na gagawin ng Marcos administration upang madetermina kung ano ang reliable at credible sources of information sa gitna na rin ng pagkalat ng fake news.
Desidido aniya ang pamahalaan na mabigyan ng kailangang gabay ang lahat para maunawaan at madetermina kung ano ang hindi totoo at pekeng impormasyon na lumalabas.
Dagdag ni Maralit na kanilang kakailanganin ang tulong ng Media and Information Literacy experts ukol dito at magkakasa aniya sila ng nationwide media literacy campaign simula sa kalagitnaan ng taong ito. | ulat ni Alvin Baltazar