Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na walang anumang kasunduan ang Pilipinas at China, kaugnay sa pag-aalis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pahayag ito ng pangulo kasunod ng claim ng China na umano’y nangako ang Pilipinas sa kanilang bansa na aalisin ang sumadsad na barko ng Pilipinas doon.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., sakaliman na mayroon ngang ganitong ipinangako ang sinumang opisyal ng anumang nakalipas na administrasyon, ngayon pa lamang pinapa-walang bisa na niya ito.

“I’m not aware of any such arrangement or agreement that the Philippines will remove from its own territory its ship, in this case, the BRP Sierra Madre from the Ayungin Shoal. And let me go further, if there does exist such an agreement, I rescind that agreement now,” —Pangulong Marcos Jr.

Kung matatandaan, una na ring hinamon ng National Security Council (NSC) ang China na pangalanan o maglabas ng ebidensya sa sinasabi nilang pangakong ito.

Dahil ang China anila ang gumagawa ng claim, responsibilidad anila ng China na suportahan ang claims nito ng ebidensya.

“They are the ones that are making this claim. Therefore, it is their responsibility to backup their claim. Sila iyong nagsasabi na may diumano kasunduan, so ilabas ninyo ‘yung kasunduang iyon para po mayroon tayong pinag-uusapan. Ang hirap kasi, iyong pinag-uusapan natin eh walang basehan ‘di ba?” —NSC Spox Malaya.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us