Pagprotekta sa karapatan ng mga katutubong Pilipino sa ancestral domain at mga kultural na ari-arian, tiniyak ng mga senador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong pinagdiriwang ang pambansang araw ng mga katutubo, nangako si Senador Robin Padilla na proprotektahan ang karapatan ng ating Indigenous People sa kanilang ancestral domain.

Ginawa ng Senate Committee on Cultural Communities and Muslim Affairs Chairman Senador Robin Padilla ang pahayag sa pagbubukas ng exhibit sa senado tungkol sa hinabing salayasay ng mga katutubong Pilipino.

Ayon kay Padilla, kasama niya sa pagnanais na maprotektahan at maipaglaban ang ancestral domain ng mga katutubo si Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Tampok sa exhibit ang likhang tela at mga kultural na kasuotan ng mga komunidad gaya ng Tuwali, Ifugao, Tingguian (Itneg), Ikalinga/Ykalinga, Hanunuo, Mangyan, Yakan, Higaonon, Mandaya, Bagobo Manobo, Blaan, Iranon/Maguindanaon, Meranaw at Tausug.

Bilang principal sponsor ng Republic Act 10689, na nagtalaga sa ika-siyam ng Agosto bilang Pambansang Araw ng mga Katutubo, pinaabot ni Legarda ang kanyang pag-asang patuloy na mapagyayaman ang pang unawa at pangangalaga sa ating mga katutubo.

Kaugnay nito, pinunto na nitong 19th Congress ay inihain niya ang Senate Bill 838 o ang Resource Centers for Indigenous Peoples Act gayundin ang Senate Bill 839 o ang Traditional Property Rights of Indigenous Peoples bill na naglalayong tiyakin na mapangalagaan at maprotektahan ang lahat ng kultural na ari-arian ng mga katutubo.

Gayundin ang pagbabayad ng royalties sa paggamit ng mga pag-aaring kultural ng mga katutubo.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us