266 na mambabatas ang bumoto para pagtibayin ang House Bill 8461 o panukala para sa isang Comprehensive Nutrition and Wellness program para sa mga senior citizen.
Sa ilalim nito ay magtatag ng isang nutrition at wellness program para sa mga lolo at lola na pangungunahan ng National Nutrition Council katuwang ang Department of Health (DOH) at local government units.
Bahagi ng programa ang pag-bisita ng mga local health officers sa mga senior citizen upang alamin at tiyakin na nakakakain sila ng masustansyang pagkain na angkop sa kanilang health conditions.
Inaatasan din ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) na isama sa kanilang mga programa ang nutrition at wellness program.
“This bill is a testament of the commitment of the House of Representatives to support legislations that will improve the lives of the Filipino people, especially our elderly and senior citizens who truly deserve recognition and protection for their years of service to the nation. This comprehensive program aims to promote and protect the right of senior citizens to health and instill consciousness on the need for their health and proper nutrition.” ani Speaker Romualdez matapos aprubahan ang panukala.| ulat ni Kathleen Jean Forbes