Senate President Zubiri, sang-ayon na ayusin ang BRP Sierra Madre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat irefurbish o ayusin ang BRP Sierra Madre.

Ayon kay Zubiri, ito ay hindi lang para mapaalis ang mga bully mula sa norte kundi para na rin maprotektahan ang ating mga militar mula sa anumang posibleng kalamidad na tumama sa naturang lugar.

Sinabi pa ng Senate leader na handa ang Senado na maglaan ng pondo para dito kung hihingin ito ng Sandatahang Lakas.

Giit ng senador, nararapat lang na paglaanan ng suporta ang ating mga sundalo na nagsasakripisyo para sa ating bansa.

Matatandaang una nang iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang kasunduan ang Pilipinas sa China na alisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, taliwas sa claim ng China. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us