Aprubado na sa House Committee on Disaster Resilience, subject to style and amendments ang panukala para amyendahan ang Republic Act 10121 or the “Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act.”
Siyam na panukala ang pinag-isa ng komite para mapalakas pa ang pagtugon ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) sa mga kalamidad.
Bahagi ng amyenda ang pagpapalawig sa access ng disaster-stricken provinces sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
Mula sa kasalukuyang dalawang taon ay itinutulak na gawin itong limang taon.
Kasama rin sa panukala na ma-exempt ang hindi nagamit na NDRRM Fund mula sa pag-revert o pagbabalik sa National Treasury.
Ito ay upang hindi malimitahan ang panahon sa paggamit sa naturang pondo at mailaan pa rin sa pagtugon sa kahaharaping kalamidad matapos man ang fiscal year. | ulat ni Kathleen Jean Forbes