Nakalatag na ang mga lamesa at upuan para sa pagdarausan ng tatlong araw na License to Own and Possess Firearm (LTOPF) Caravan na isasagawa naman sa tanggapan ng Manila Headquarters sa UN Avenue, Ermita, Maynila.
Ayon sa tagapagsalita ng Manila Police District Public Information Office na si Police Major Philip Innes, ngayong araw ng Huwebes, tatlong batch ang nakalatag na programa para sa August 10, 11, 12, 2023 na sisimulan ng alas-8 hanggang alas-9 ng umaga na gagawin sa MPD Multi-Purpose Hall.
First Come First Served at 100 applicants lamang ang siyang maa-accomodate sa kada araw sa nabanggit na caravan ng MPD.
Hinihikayat naman nito ang publiko, partikular na yung mga kwalipikado na maging gun-owner na gustong makakuha ng kanilang LTOPF o magre-renew, kabilang na ang lahat ng serbisyong alok na makikita sa nasabing caravan ng MPD.
Sinabi ni Ines na bilang Pulis ng Bayan, tuloy-tuloy din ang kanilang pag-iisip sa pagbibigay ng iba’t ibang mga pamamaraan kung paano ang kanilang presensiya ay magiging biyaya para sa iba. | ulat ni Michael Rogas