Inter-Agency Council Against Trafficking, nagbigay ng rekomendasyon sa gobyerno para sa mga biktima ng human trafficking

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinuportahan ng Bureau of Immigration ang rekomendasyon ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mga biktima ng human trafficking sa ibang bansa.

Bahagi ng rekomendasyon ay ang hindi na bibigyan ng tulong ang mga OFW na naging biktima ng mga human trafficking sa ibang bansa na naibalik na sa Pilipinas ngunit muling umalis ng bansa nang walang wastong dokumento at nahuli sa mga scam company sa bansang pinuntahan.

Nais din ng IACAT na maging ang mga biktima ng scam hub sa ibang bansa na natulungan ng pamahalaan at naibalik sa Pilipinas ngunit nahuli at nasangkot pa rin sa mga katulad na kumpanya ay hindi na rin tutulungan ng pamahalaan.

Ang pagpabor ni Tangsingco sa rekomendasayon ng IACAT matapos matuklasan na may ilan pa ring manggagawang Pilipino ang matigas ang ulo na bumabalik sa katulad na trabaho sa illegal online.

Gaya ng isang nailigtas na biktima ng trafficking sa Myanmar na naiuwi ng pamahalaan sa Pilipinas, ngunit pagdating dito sa bansa ay muling nasangkot sa online scam hub. Kabilang siya sa mga nadakip sa isang kumpanya na sinalakay ng mga awtoridad sa Pasay City, na labis na ikinadismaya ng komisyuner. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us