Imbestigasyon ng PNP-IAS sa mga pulis na sangkot sa pagkamatay ng biktima ng mistaken identity sa Navotas, sinimulan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ngayong araw ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kanilang fact-finding investigation sa anim na pulis na sangkot sa pagkamatay ng biktima ng mistaken identity sa Navotas.

Ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo sisikapin nilang tapusin sa lalong madaling panahon ang pagresolba sa administratibong kaso laban sa mga naturang pulis.

Tatagal aniya ng tatlong araw ang panganagalap ng IAS ng mga ebidensya at testimonya para sa mas malalim na pag-iimbestiga.

Pagkatapos nito, susunod naman ang Pre-Charge Investigation na tatagal ng pitong araw, kung saan pagpapaliwanagin at kukuhanan ng affidavit ang mga pulis.

Pagkatapos ng Pre-Charge Investigation, magkakaroon naman ng summary hearing na tatagal ng 20 araw.

Inaasahan naman na pagsapit ng September 6 ay tapos na ang recommendation sa kaso na papaaprubahan naman sa National Capital Region Police Office. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us