Nanguna sa panibagong Senatorial Survey si House Deputy Majority Leader at ACT CIS party-list Rep. Erwin Tulfo.
Sa inilabas na datos ng OCTA Research, si Tulfo ang nais ng maraming botante na una nilang iboboto sa 2025 midterm election.
Nakakuha ng 73% o halos pito sa kada 10 botante ang nais iboto si Tulfo bilang senador sa 2025.
Sumunod si Sen. Christopher Lawrence Bong Go, dating Senate President Tito Sotto, Sen. Bato Dela Rosa, Imee Marcos at dating Sen. Manny Pacquiao.
Pasok din sa Top 12 sina Sen. Pia Cayetano, Ramon Bong Revilla Jr., dating Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manuel Lito Lapid at dating Sen. Panfilo Lacson. | ulat ni Michael Rogas