Tinalakay ng economic team ang monetary status at fiscal and revenue performance ng bansa sa Development Budget and Coordination Committee 2024 budget briefing sa Kamara.
Iprinesinta ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona ang monetary, financial status at ang growth outlook ng bansa.
Ayon kay Remolona., stable ang macroeconomic assumption ng bansa bunsod ng downtrend inflation simula Enero ng 2023 at inaasahang magtutuloy-tuloy ito hanggang makamit ang 2-4% hanggang matapos ang taon.
Binanggit din ni Remolona ang stability ng piso, kahit na may paghihigpit sa international monetary rate, hindi naman nito hinadlangan ang paglago ng bansa.
Binigyang diin ng BSP chief ang matatag na pagbabangko sa bansa at financial standing ng central bank.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na nag-improve ng 7.7% year-on year ang revenue collection sa loob ng anim na buwan na nagkakahalaga ng P1.9 trilyon.
Ayon kay Diokno, patuloy silang makikipagtulungan sa kongreso para maipasa ang mga tax reform measures upang makamit ang hangarin ng MTFF at pabilisin ang economic development. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: DOF