Pamahalaan, inaaral ang posibleng pagkakaroon ng panibagong salary increase para sa mga government employee

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na nasa proseso ang Governance Commission for GOCCs para magkasa ng pagaaral sa posibleng pagpapatupad ng panibagong salary increase.

Natanong kasi sa DBCC briefing kung may aasahan bang taas sahod ang mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon.

Inaasahan na Oktubre aniya matatapos ang naturang pag-aaral at sakali man na irekomenda nga ang pagkakaroon ng salary increase ay kaya pa rin aniya itong habulin bago ipasa ang 2024 proposed national budget.

Sa ilalim ng panukalang pondo ay napaglaanan naman ayon sa kalihim ng paunang P16.95 billion na pondo sa ilalim ng miscellaneous personnel benefit fund ang compensation adjustment kung matuloy man ito sa susunod na taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us