Bagamat bahagyang bumaba ang employment rate ng bansa, naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na may malalaking pagkakataon na paparating sa bansa sa mga susunod na panahon.
Ito ay lalo na, aniya, mula sa mga big ticket investment pledges na bunga ng pagsisikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinunto naman ni Villanueva ang mga bagay na nakaapekto sa pagtaas ng unemployment rate sa Pilipinas, gaya ng seasonality ng mga trabaho, climate change, global trends, at iba pa.
Muling iginiit ng majority leader ang isinusulong niyang comprehensive national employment masterplan para matugunan ang mga isyu sa sektor ng paggawa at mapagtugma ang mga labor at employment policies sa economic policies ng bansa.
Ipinagpapasalamat naman ni Villanueva ang suporta ng administrasyon, lalo na ni Pangulong Marcos, sa Trabaho para sa Bayan bill.
Sa susunod na linggo ay inaasahang tatalakayin na ito ng Kamara at umaasa ang senador na maisasabatas na ito sa lalong madaling panahon. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion