Economic team, tiniyak sa harap ng mga mambabatas na komited silang matupad ang mga target ng Medium Term Fiscal Framework

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa harap ng mga mambabatas sa Kamara na komited ang Economic Team na ipatupad ang Medium Term Fiscal Framework (MTFF) na siyang blueprint na sinusundan ngayon ng gobyerno.

Sa isinagawang Development Budget Coordination Committee (DBCC) hearing, sinabi ni Diokno na tatlo ang prayoridad na maisakatuparan sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Kabilang dito ang pagbawas sa debt-to-GDP ratio, pagbawas ng deficit-to-GDP ratio to 3.0 percent by 2028, at mapanatili ang infrastructure spending at 5 to 6 percent of GDP.

Ayon kay Diokno, sa pamamagitan ng pagpapahusay ng tax administration at episyenteng pagpapatupad ng mga pangunahing tax reform ay tiyak na tataas ang revenue collection at mababawasan ang deficit.

Samantala, nagpasalamat rin si Diokno sa patuloy na suporta ng Kongreso sa pagsasabatas ng Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) at ang kanilang pagpupursige na maisabatas ang natitira pang revenue measures.

Sa ngayon meron pang pitong priority legislation na inaasahang aaprubahan ngayong taon ito ay ang Public-Private Partnership (PPP) bill, Ease of Paying Taxes bill, Real Property Valuation, LGU Income Classification bill, Assessment Reform bill, Single Used Plastic Bags Value Added Tax on Non-resident Digital Service Providers, at ang Military and Uniformed Personnel (MUP) Reform bill.

Kasama din sa priority measures ang agarang pagpasa ng Passive Income and Financial Intermediary Taxation at Rationalization of the Mining Fiscal Regime. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us