DSWD, pribadong sektor, sanib-pwersa sa laban kontra malnutrisyon, stunting

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahalagahan ng partipasyon ng pribadong sektor para matugunan ang problema ng malnutrisyon at stunting o pagkabansot sa bansa.

Sa pagdalo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa General Membership Meeting ng Management Association of the Philippines (MAP), ibinahagi nito ang ilan sa mga programang pinagtutuunan ng ahensya para malutas ang kagutuman sa bansa.

Kabilang na rito ang Food Stamp Program (FSP) o ang bagong intervention program ng pamahalaan na layong makatulong sa pangkain ng isang milyong Pilipino na maituturing na pinakamahihirap at “food-poor”

Kasunod nito, nagpasalamat naman ang kalihim sa Management Association of the Phililippines sa pagtugon sa panawagan nito ng “whole of society” approach para maitaguyod ang programa.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy na ang rollout ng food stamp program na plano na ring palawakin maging sa iba pang rehiyon sa bansa gaya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us