Pagbabakuna ng Bivalent Vaccines sa lungsod ng Maynila, pansamantalang ititigil

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanusyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na pansamantala muna nilang ititigil ang pagtuturok ng COVID-19 Bivalent Vaccines.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ini-ulat sa kanila ng Manila Health Department na naubos na ang kanilang suplays.

Batay sa datos ng Pamahalaang Lungsod, aabot sa kabuuang 8,233 indibiduwal ang naturukanng Bivalent vaccine bilang ikatlong Booster kontra COVID-19.

Dahil dito, muling magpapalabas ng abiso ang Manila LGU kung kailan ipagpapatuloy ang pagtuturok ng nasabing bakuna sa sandaling mapunuan na muli ng Department of Health ang suplay nito.

Una nang hihikayat ni Health Sec. Teodoro Herbosa ang mga Lokal na Pamahalaan na ubusin na ang kanilang suplay ng mga Bivalent Vaccines bago tuluyang ma-expire ito sa Nobyembre ng taong kasalukuyan.

Samantala ngayong araw, nakapagtala ng Manila LGU ng 23 aktibong kaso ng COVID 19 kasama na ang 1 bagong kaso ng sakit. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us