Valenzuela LGU, magpapadala ng tulong sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapaabot na rin ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga sinalanta ni bagyong Egay sa Northern at Central Luzon.

Ayon sa LGU, magdo-donate ito ng P13,450,000 sa anyo ng cash at in-kind sa piling lalawigan, siyudad at munisipalidad.

Kabilang sa mga lugar na mabibigyan ng tulong ang Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Pampanga, Bataan, Dagupan City, Calasiao, Mangatarem at Sta. Barbara sa Pangasinan.

Samantala, sampung lugar din sa Bulacan ang mahahatiran ng tulong mula sa Valenzuela City LGU.

Ito ay ang Malolos City, Calumpit, Hagonoy, Balagtas, Paombong, Obando, San Miguel, Guiguinto, Pandi at Plaridel.

Ang mga nabanggit na lugar ang nakaranas ng matinding hagupit ng nagdaang bagyo at libo-libong pamilya ang lumikas dahil sa tubig baha. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us