Ipinakilala ng isang Japanese start-up company ang isang disaster management tool na makatutulong sa disaster management at mas mabilis na news gathering ng media organizations.
Ang nasabing teknolohiya ay inilunsad sa ilalim ng Public-Private Partnership promotion program ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
Ayon kay JICA Chief Representative Takema Sakamoto, makikinabang ang mga Pilipino sa nasabing digital innovation mula Japan, partikular sa larangan ng disaster management.
Sinabi ni Spectee Inc. Chief Operating Officer Satoshi Nagoro na makatutulong ang kanilang bagong lunsad na Spectee Pro AI na magamit ang nakukuhang impormasyon para sa disaster-prevention o crisis management solutions sa pamamagitan ng algorithms.
Nakipag-partner rin ang Spectee sa Office of Civil Defense at Department of Interior and Local Government para sa trial use ng nasabing AI tool para sa disaster prevention operations.
Para naman kay Philippine Information Agency Director-General Joe Torres, makakatulong ang nasabing teknolohiya para sa information gathering ng mga newsrooms at malabanan ang disinfomation. | ulat ni Gab Villegas