Ang nasabing tulong ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Ito ay binigyang daan ni Senador Loren Legarda.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Michael Marcos Keon kay Legarda dahil napagbigyan ang kanyang hiling na mabigyan ng budget ang pagtulong sa mga lubhang nasalanta ng bagyong Egay. | ulat ni Jude Pitpitan | RP1 Laoag