Bivalent vaccines para sa Manila, naubos na -LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagamit na ang lahat ng bivalent vaccines ng Manila Health Department o MHD.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna Pangan.

Aniya, umabot sa kabuuang 8,233 na indibidwal ang tumanggap ng bivalent vaccine bilang ikatlong booster.

Tiniyak naman ni Abante na ipagpapatuloy ang pagbabakuna ng bivalent vaccines ng Pfizer sa sandaling magkaroon na muli ng supply.

Payo pa ni Abante sa publiko na makipag-ugnayan lamang sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng Mayníla tungkol sa vaccination record at iba pang may kínalaman sa COVID-19. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us