Mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa nangyayari sa West Philippine Sea, binatikos ng PCG official

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela sa publiko si Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na magkaisa laban sa mga nagkakalat ng fake news tungkol sa isyu ng West Philippines Sea.

Sa media forum, naglabas ng litanya si Commodore Tarroila dahil may ilang indibidwal ang aniya’y nagdedepensa pa sa China.

Ito’y sa kabila ng mga ebidensiyang inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) tulad ng videos at pictures na nagpapakita ng agresibong pag-uugali ng China.

Sinabi pa ng opisyal, ang laban sa West Philippine Sea ay laban ng bawat ng Pilipino at hindi ito laban lamang ng PCG at AFP.

Kung patuloy na hahayaan ang mga peddler ng fake news na nagiging mouthpiece ng Chinese government, maraming Pilipino ang malilito sa mga nangyayari sa West Philippine Sea.

Pakiusap pa niya na kung makakakita ng fake news sa social media dapat i- share ang tamang impormasyon para ma-counter ang mga fake news peddler. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us