Mambabatas, nanawagan sa gobyerno na maging maagap sa suplay ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa si Nueva Ecija Rep. Ria Vergara sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Agriculture na masusing bantayan ang imbak na bigas ng bansa.

Ginawa ng lady solon ang pahayag sa pangambang mangyari naman sa bigas ang nangyari sa isyu ng sibuyas.

Diin niya, dapat nang matuto ang Pilipinas sa nangyari sa sibuyas na ginamit ng smugglers, hoarders, at tiwaling mga opisyal ng gobyerno na manipulahin ang presyo nito.

Maari kasing gamitin ng mga ito ang dahilan ng epekto El Niño, global rice shortage upang manamantala at abusuhin sambayanan.

Nanawagan din ito sa Department of Trade and Industry na magtakda ng price ceiling sa mga pangunahing produkto partikular sa bigas bago pa man maramdaman ang epekto ng El Niño at matiyak na sapat ang suplay ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

📷: Cong, Ria Vergara fb page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us