Mga nasirang bahay sa Region 2 dahil sa bagyong Egay, umabot sa mahigit 22,000 -DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat pa sa 22,273 na pamilya ang nasiraan ng bahay sa pananalasa ng Super Typhoon Egay sa Rehiyon 2.

Base sa pinakahuling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2, umabot na sa 21,131 ang partially damaged habang 1,142 naman ang totally damaged na kabahayan.

Pinakamarami sa nasiraan ay naitala sa Cagayan na may kabuuang 21,607, sumunod dito ang Nueva Vizcaya na nasa 648, habang 14 sa Isabela at 4 naman ang naitala sa Quirino.

Ayon kay Regional Director Lucia Alan, hinihintay pa rin nila ang pag-apruba ng DSWD Central Office sa hiniling nilang pondo para matulungan ang mga pamilyang nasiraan ng bahay

Umaabot sa P174 million ang halaga ng pondong kanilang hiniling na kalakip ng isinumite nilang project proposal para sa pagpapatupad sa Emergency Cash Transfer program.

Samantala, umakyat pa sa 58,882 na pamilya na binubuo ng 209,393 na indibidwal ang bilang ng naapektuhan ng bagyo, na nagmula sa 699 na barangay sa buong lambak-Cagayan.

Umaabot na sa P27.6 million ang naipagkaloob na tulong ng ahensiya, na binubuo ng food and non-food items, at ang mahigit P4.8 million na financial assistance.

Maliban sa food and non-food items at cash assistance, inaasahan din ang pagpapatupad ng cash-for-work program para sa mga apektadong pamilya, kung saan kapalit ng kanilang pagtra-trabaho ay masasahuran sila ng P420 sa kada araw sa loob ng 10 araw. | ulat ni April Racho | RP1 Tuguegarao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us