Party-list solon, nais panatilihin ang iconic na itsura ng tradisyonal na mga jeep

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinakokonsidera ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na panatilihin ng pamahalaan ang iconic na itsura ng tradisyonal na jeep kahit imomodernisa na ito.

Ayon sa mambabatas, mahalagang mapanatili ang ‘iconic design’ ng mga jeep dahil bahagi na ito ng ating kultura.

Aniya ang mga namamasadang modern jeep sa ngayon ay mas mukhang mini bus na kaysa jeep.

“Mahalaga po na ma-retain ang iconic design ng traditional jeepney dahil nakatatak na ito bilang bahagi ng ating kultura at identidad. Yung nakikita kasi natin ngayon na pumapasada, hindi naman mukhang jeepney, kundi mas mukhang mini bus. Huwag nating hayaang mawala ang iconic design ng jeepney tulad ng pagkawala ng mga kalesa,” saad ni Lee.

Maghahain ng panukala si Lee para suportahan at isulong ang local production ng modern jeep na abot kaya, environment-friendly, at mananatili ang disensyo ng tradiysonal na jeep.

Sa paraan aniyang ito, maaari pang i-pang export ang naturang mga jeep.

Ayon naman sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mayroong 106 modelo ng modern PUV ang nabigyan na ng Certificates of Compliance (COC) ng Philippine National Standards.

Sa bilang na ito, 39 ang ginagawa sa bansa habang mayroon namang 13 lokal na manufacturers/assemblers ng mga modernong PUV. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us