Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, kinikilala ng ahensya ang karapatan ng mga operator at tsuper na nais maghain ng panukala hinggil sa dagdag-singil sa pamasahe.
Pag-aaralan pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng ilang transport group na taas-pasahe.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, kinikilala ng ahensya ang karapatan ng mga operator at tsuper na nais maghain ng panukala hinggil sa dagdag-singil sa pamasahe.
Pero kailangang dumaan muna ito sa mahigpit na pag-aaral ng LTFRB kung pagbibigyan o hindi ang kanilang kahilingan.
Noong nakaraang linggo, hiniling ng transport groups na Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, PISTON, Stop & Go Transport Coalition Inc., at ang FEJODAP na dagdagan ng dalawang piso ang pamasahe sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) sa kada unang apat na kilometro.
Idinadahilan ng transport groups ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.| ulat ni Rey Ferrer