7 sugatan matapos maaksidente ng rumaragasang trak ng bumbero sa Tondo, Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasalukuyang ginagamot na sa iba’t ibang ospital ang 7 indibidwal matapos masagasaan ng rumaragasang trak ng isang fire volunteer.

Kabilang ito sa mga rumerespondeng bumbero habang nasusunog ang isang residential / commercial building sa kalye ng Ilaya sa Tondo, Maynila kaninang hapon.

Batay sa impormasyon mula sa Manila Police District Station 2 mula sa 7 sugatan, 5 rito ang nasa hustong gulang habang 2 naman ang menor de edad.

Lumabas sa imbestigasyon na rumeresponde ang naturang fire tanker nang mangyari ang insidente.

Sinasabing nasa bangketa na ang mga biktima subalit may iniwasan umano ang naturang trak, dahilan kaya’t nasagasaan ang mga ito.

Hawak na ng pulisya ang nagmamaneho ng trak habang isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us