Seven Falls sa Lake Sebu, paboritong tourist destination na ngayon sa South Cotabato Province

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang Seven Falls na nasa Lake Sebu, South Cotabato ay isa nang paboritong destinasyon ng mga turista at mga residenteng lokal na naghahanap ng makabuluhang karanasang kasama ang kalikasan.

Dahil sa dumaraming bilang ng mga bisita, ang South Cotabato Economic Enterprise Management Office (SCEEMO) ay nakipag-koordinasyon sa Arts, Culture, Tourism, and Sports (ACTS) Promotion Office na pinanguluhan ni Mr. Argie Ryan Asaria.

Kasama ni Adaria ang ibang opisyal sa paglulunsad kamakailan ng site visit sa Seven Falls at sa Zipline Eco-tourism Development Project sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Kanilang inusisa ang kasalukuyang developments sa naturang proyekto at pinag-usapan ang mga hamon at concerns na nararanasan sa pagbibigay sa mga guests ng ligtas at kumbinyenteng sitwasyon habang tinutuklas nila ang ganda ng Seven Falls at Lake Sebu sa pangkalahatan.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us