Tuloy-tuloy pa rin ang relief efforts ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa karagatan ng Oriental, Mindoro.
Batay sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of 6am ay umakyat pa sa ₱20.3-milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi nito katuwang ang LGUs at NGOs sa MIMAROPA at Western Visayas Region.
Kabilang sa ipinamamahagi ng DSWD ang family food packs at cash assistance sa mga nawalan ng pagkakakitaan.
Kaugnay nito, batay sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of 6am ay mayroon pang 31,392 na pamilya o katumbas ng 141,988 na indibidwal ang apektado ng oil spill mula sa 122 na barangay.
Wala naman nang pamilya ang nananatili ngayon sa loob ng evacuation center. | ulat ni Merry Ann Bastasa