Sa gitna ng pagtaas sa presyo ng bigas, nagpatawag ang House Committee on Agriculture and Food ng isang briefing kasama ang Department of Agriculture (DA) ngayong araw.
Partikular na nais alamin ng komite ay ang kasalukuyang estado ng produksyon ng bigas sa bansa.
Ang naturang briefing ay ikinasa matapos ang pag-iikot ni House Speaker Martin Romualdez sa ilang pamilihan para alamin ang presyo ng bigas at sibuyas.
Aniya, bagamat sa kasalukuyan, mayroon talagang pagtaas sa presyo ng imported na bigas, ay kailangan pa rin bantayan at protektahan naman ang ating mga magsasaka at consumer mula sa mga nagsasagawa ng artipisyal na kakulangan sa suplay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes