‘Oplan Pag-abot’ ng DSWD, paiigtingin pa habang papalapit ang “ber months”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mas palawakin ang implementasyon ng ‘Oplan Pag-abot’ habang papalapit ang holiday season.

Ang ‘Oplan Pag-abot’ ay isa sa mga major project ng kagawaran na nagpapalawak sa serbisyo nito para sa mga pamilya at indibidwal na nasa lansangan.

Kaugnay nito ay nagpatawag ng pulong si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para mas paigtingin ang reach-out operations lalo sa indigenous peoples (IPs) na kadalasang naglilibot sa mga lansangan tuwing “ber months.”

Ayon sa kalihim, mahalagang agad na matulungan ang mga IP sa mga lansangan dahil posibleng biktima ang mga ito ng human trafficking.

“Itong eksenang ito, sana ay hindi na mangyari. Kaya this early pa lang, we are planning in advance,”

Sa naturang inter-agency meeting, iprinesenta rin ni Sec. Gatchalian ang ilang istratehiya ng ‘Oplan Pag-Abot’ kabilang ang rights-based approach, kung saan sinisiguro na ang mga reach-out procedure ay alinsunod sa human rights protocols.

Kabilang din sa serbisyong ibinibigay nito ang biometrics registration sa reached-out families at pag-iisyu sa kanila ng identification cards.

“The Department decided to come up with its own reach out program na engaging social workers to work with the local government units. Kami na yung nagre-reach out. Nilalagay namin sila sa facilities namin and then we bring them home to their respective home provinces with the needed economic support,” Secretary Gatchalian. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us