Guidelines at Rules of Conduct sa 2023 Bar Exams, inilabas na ng Korte Suprema

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ang Kataas-taasang Hukuman ng mga panuntunan at gabay sa isasagawang 2023 Bar Examinations sa Setyembre.

Ayon sa Supreme Court (SC) guidelines, kailangang dalhin ng bar examinees ang isang laptop na may naka-install ng gagamiting exam software, printed copy ng notice of admission, printed copy ng nasagutang honor code, health liability waiver, at packed lunch at eating utensils.

Ilan naman sa prohibited items ay deadly weapons, droga, nakalalasing na inumin, sigarilyo at vape.

Nakasaad din sa guidelines ang proper decorum at attire ng mga kukuha ng pagsusulit, at ang iskedyul sa bawat bar exam days.

Binanggit din ng SC ang health protocols na ipatutupad sa mga local testing center.

Ayon sa Korte Suprema, hindi na obligado ang pagprisinta ng negatibong RT- PCR test.

Bagamat hindi rin required ay hinihimok naman ang examinees na magsuot ng face mask at magpabakuna laban sa COVID-19.

Sinabi pa sa mga panuntunan na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang pagtitipon sa mga lugar malapit sa local testing centers gaya ng mga salubong at send-off, upang maiwasan ang anumang insidente. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us