Ipinag-utos ngayon ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa lahat ng paaralan na tanggalin ang mga nakapaskil na educational posters sa loob ng silid-aralan.
Ito ang kanyang inihayag sa pagbisita nito sa Dominga Elementary School sa Calinan District, Davao City para sa Brigada Eskwela nitong Miyerkules (Agosto 16, 2023).
Giit ng Pangalawang Pangulo, dapat malinis at wala ng nakapaskil sa mga classrooms ngayong darating na pasukan.
Paliwanag nito na kailangan na walang clutter sa bawat sulok ng classrooms para makatuon ang atensyon ng mga mag-aaral sa ginagawang leksyon ng mga guro. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao