162 mga benepisyaryo ng repormang agraryo sa Zamboanga Sibugay, nakatanggap ng mga titulo ng lupa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 162 mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng tatlong island municipalities ng Zamboanga Sibugay ang nakatanggap ng kani-kanilang mga titulo o Certificate of Land Ownership Award (CLOA) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR)-Zamboanga Sibugay Provincial Office.

Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa mga bayan ng Mabuhay, Olutanga at Talusan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Rolando Libetario Jr., Provincial Agrarian Reform Program Officer II ng DAR-Sibugay, higit sa 121 ektaryang lupain ang kanilang naipamahagi sa bayan Mabuhay na mayroong 70 individualized e-titles para sa 66 na mga benepisyaryo.

Higit sa 60 ektarya naman sa bayan ng Olutanga na mayroong 46 na individualized e-titles para sa 40 benepisyaryo, at higit sa 92 ektaryang lupain sa bayan ng Talusan ang kanilang naipamahagi na mayroong 60 individualized e-titles, para sa 56 na agrarian reform beneficiaties.

Aniya, ang distribusyon ng mga titulo ay ginanap sa Mabuhay Operation Center sa bayan ng Mabuhay, Zamboanga Sibugay, sa pangunguna ni Atty. Ramon Madroñal Jr., regional director ng DAR Regional Office-9.

Ayon kay PARPO Libetario, pinagsisikapan ng DAR na personal na maipaabot at maihatid sa mga benepisyaryo ang kanilang mga titulo sa pamamagitan ng tinatawag na “DAR to door” distribution.

Sa kanyang mensahe, mariing hinimok ni Director Madroñal ang mga benepisyaryong magsasaka na ingatan, pahalagahan, at pagyamanin ang lupang ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan, at huwag itong isanla’t ibenta.

Hinikayat din niya ang mga benrpisyaryo na lumahok sa mga aktibidad ng Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa kanilang lokalidad upang magkaroon sila ng access sa support services progran ng DAR.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us