DOT, nagpasalamat sa mga mambabatas na nagtanggol sa kanilang budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Department of Tourism (DOT) sa mga mambabatas na nagpahayag ng suporta para taaasan ang kanilang alokasyon ng budget para sa susunod na taon.

Ito ay makaraang maitala ang P2.99 o halos P3 bilyong panukalang pondo para sa susunod na taon, na mas mababa ng 20 porsyento kumpara sa P3.7 bilyong sa kasalukuyang taon.

Giit ni Tourism Secretary Christina Frasco, sakaling maipasa ang hirit nilang dagdag pondo, makatutulong ito sa pagsusulong ng mga programa ng administrasyong Marcos, na maitampok ang bansa bilang top tourism destination sa mundo.

Magreresulta aniya ito sa paghikayat ng mas maraming mamumuhunan, upang makapaglagak ng negosyo at makalikha ng mas maraming trabaho.

Sa naging pagdinig ng Kamara kaugnay ng panukalang pondo ng kagawaran, umani ng suporta ang DOT mula sa mga mambabatas sa paniniwalang malaki ang pangangailangan upang mapanatili ang mga nakalatag na programa ng kagawaran. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us