Umabot na sa 341 motorista ang lumabag sa ipinatutupad na Republic Act No. 10913 o ang Anti-Distracted Driving Act sa Metro Manila, ngayong taon.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang nabanggit na bilang ay naitala simula January hanggang August 15, 2023.
Kabilang sa mga nahuli, ang mga motorista na nagte-text o sumasagot ng tawag habang nagmamaneho.
Kaugnay nito, ay nagpaalala naman ang MMDA sa mga motorista na huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho, lalo na kung nakahinto sa mga intersection upang makaiwas sa mga aksidente sa lansangan. | ulat ni Diane Lear