MIAA Acting General Manager at Assistant nito, tuluyan nang sinibak sa puwesto ng Ombudsman

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuluyan nang pinatalsik sa puwesto ng Office of the Ombudsman sina Manila International Airport Authority (MIAA) Acting General Manager Cesar Chiong at ang kaniyang Acting Assistant na si Irene Montalbo.

Ang dalawang opisyal ay nauna nang pinatawan ng suspension order ng Ombudsman noong Mayo ngayong taon.

Nagbaba ng kautusan ang Ombudsman, matapos mapatunayang guilty ang dalawang opisyal sa mga isinampang kaso na grave misconduct, abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of the service.

May kaugnayan ito sa umano’y kwestyonableng reassignment ni Chiong sa 285 na empleyado ng MIAA isang buwan mula nang umupo ito sa puwesto.

Inabuso din ni Chiong ang kanyang tungkulin nang italaga si Montalbo bilang assistant general manager for finance and administration sa kabila ng unsatisfactory rating nito noong 2020.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us