???. ?? ????????: ???????? ???????? ?? ????? ?? ???? ???? ????????? ?? ?????? ????????? ???? ??????
Naniniwala si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na malabong makakuha ng 13 boto o boto ng mayorya ng mga senador para mapalitan si Senate President Juan Miguel Zubiri.
Ipinunto ni Ejercito, na sila sa tinatawag na ‘seatmate’ bloc na kinabibilangan ng walong senador ay buo ang suporta kay Zubiri.
Para sa senador, stable pa rin ang liderato ni Zubiri dahil maging ang Minority bloc ay kuntento naman sa senate president.
Wala rin aniyang nag-aambisyon na pumalit bilang pinuno ng Senado, at wala rin naman aniyang makakapalit kay Zubiri.
Pagdating naman sa kritisismo na mabagal ang trabaho ng Mataas na Kapulungan, sinabi ng deputy majority leader, na masyado pang maaga para sabihing low output ang senado dahil ngayon pa lang naglalabasan ang mga committee report ng mga panukalang batas.
Giniit rin ni Senador Jinggoy Estrada, na binubusising mabuti ng senado ang mga panukalang batas na dumadaan sa kanila.
Ayon kay Estrada, pinag-aaralan nilang mabuti ang mga panukalang batas para mapaganda ang kalidad ng mga ito, at ayaw rin naman aniya nilang magpasa ng mga depektibong panukalang batas. | ulat ni Nimfa Asuncion