Sen. Pia Cayetano, pinatutugunan sa NEDA ang kakulangan ng healthcare professionals sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senadora Pia Cayetano sa National Economic Development Authority (NEDA) na tugunan ang problema sa kakulangan ng mga healthcare professionals sa Pilipinas.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag sa briefing sa Senado ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) para sa panukalang 2024 national budget.

Ayon sa senadora, ang isyung ito ay mayroong seryosong implikasyon sa pagpapanatili ng healthcare system ng Pilipinas.

Ipinunto ni Cayetano na bukod sa mga nurse ay nagkukulang na rin ang bansa sa mga pharmacists, physical therapists, occupational therapists, at iba pa.

Iminumungkahi ng mambabatas na pangunahan ng NEDA ang pagresolba sa problemang ito at tulungan nito ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Health (DOH) at iba pang ahensya sa pagtugon sa isyu.

Binigyang diin rin ni Cayetano ang kahalagahan sa pagsuporta sa mga hakbang na makakatulong na maging sustainable ang mga komunidad gaya ng pagkakaroon ng access sa malinis na tubig, maayos na kalusugan at nutrisyon at food security. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us