Paggamit ng water cannons at panunutok ng laser, isinusulong na maisama sa grounds para mapagana ang MDT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maisama sa grounds para mapagana ang mutual defense treaty (MDT) ng Pilipinas sa Estados Unidos ang panunutok ng laser at paggamit ng water cannon laban sa ating tropa.

Ginawa ni Dela Rosa ang naturang suhestiyon sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations tungkol sa panukalang amyendahan ang MDT natin sa US.

Giit ni Senador Bato, bagamat hindi maituturing na armed attack ang paggamit ng pambobomba ng tubig ay ang epekto naman nito ay maaaring mauwi sa injury o pagkasawi ng sinumang tatamaan nito.

Tinanong naman ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos kung maituturing bang non-conventional threat ang paggamit ng water cannons sa ilalim ng guidelines ng MDT.

Sinabi naman ni DFA Assistant Secretary Jose Victor Chan na kailangan pa nila itong talakayin sa kanilang mga US counterparts.

Hinikayat naman ni Dela Rosa ang DFA na gawin ang lahat para maisulong ang kapakanan ng Pilipinas sa magiging pag-uusap sa US tungkol sa usaping ito.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us