Philsys registration, gagawing mas accessible sa OFWs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa isang memorandum of agreement ang Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Migrant Workers (DMW) para mas mailapit ang serbisyo ng Philippine Identification System (PhilSys) registration sa returning at departing overseas Filipino workers (OFWs).

Bahagi pa rin ito ng hakbang ng pamahalaan na mapalawak ang bilang ng mga Pilipinong may PhilID.

Pinangunahan nina PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, at DMW Secretary Maria Susana Ople ang paglagda sa kasunduan na magtitiyak na accessible na ang pagkuha ng PhilID sa mga OFW.

Sa ilalim nito, magtatalaga ang PSA ng colocation sites sa tanggapan ng DMW sa Mandaluyong, sa mga sub-department at agencies, regional offices, at one-stop service centers nito.

Dito, maaaring magrehistro sa PhilSys ang isang OFW, mag-claim ng ePhilID, mag-inquire sa mga personnel ng PSA at DMW, at kumuha ng PhilSys-related information materials.

“Through this joint effort, we look forward to registering OFWs and providing them the benefits of being PhilSys-registered,” ani Usec. Mapa.

Sa pinakahuling tala ng PSA, as of July 28, sumampa na sa 80,194,464 ang bilang ng mga Pilipinong nakarehistro sa PhilSys. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us