Milyon-milyong piso, posibleng dahilan sa pag-urong ng ibang pamilya sa kaso ng mga nawawalang sabungero— DOJ Sec. Remulla

Facebook
Twitter
LinkedIn

Milyon-milyong halaga ng salapi ang posibleng dahilan kung bakit iniurong
ng ibang pamilya ng mga nawawalang sabungero ang kaso.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nagkakaroon na ng bayaran sa pagitan ng mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero at pamilya nila makaraan ang pag-atras sa mga kaso.

Nagsumite na kasi aniya ang mga pamilya ng ilang mga sabungero ng Affidavits of Desistance laban sa mga suspect.

Wala namang nabanggit ang kalihim kung ilan nang pamilya ang naghain ng nasabing affidavit.

Aminado naman si Remulla na ang pag-atras ng mga pamilya ay nagpahina sa kanilang kaso laban sa anim na akusado. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us