₱200-B kada taon, kailangan para sa irigasyon sa bansa — NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang-diin ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen na para mapalakas ang produksyon ng bigas sa bansa ay kailangan din buhusan ng pondo ang irigasyon o patubig.

Sa briefing ng Department of Agriculture (DA) tungkol sa rice supply at production, sinabi ni Guillen na dapat din mapagtuunan ng pansin ang irrigation infrastructure ng bansa para makamit ang food security.

Diin ni Guillen, sa kasalukuyang budget ng NIA, kahit abutin ng 80 hanggang 100 taon ay hindi mapapatubigan ang nasa 1.2 million hectares ng irrigable lands.

Kaya umapela na ito sa mga mambabatas na sana’y ikonsidera na madagdagan ang kanilang pondo sa susunod na taon.

Sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program, pinaglaanan ang NIA ng ₱31.2-billion para sa dagdag na 31,548 hectares ng irrigated farmland.

Pero ayon kay Guillen, sa kanilang pagtaya, kakailanganin ng ahensya ng ₱200-billion kada taon para mapatubigan ang nalalabing irrigable lands sa loob ng susunod na 10 taon.

“Yung remaining 1.22 million hectares na kailangan pang, potential irrigable area, at the rate we are going sa budget ng natin [NIA], kahit abutin pa tayo ng 80 to 100 years, hindi ho naming kayang patubigan yun. So gumawa po kami ng proposal, ang estimate po namin, kung meron lang tayong budget around ₱200-billion pesos per year, in ten years time, mapapatubigan po natin ang lahat ng ito,” ani Guillen.

Dagdag pa ng opisyal na sa pagpapatayo ng mga high dams, hindi lang food security ang masosolusyunan, kundi maging ang flood control, dagdag na hydro power source, aqua culture, at maging turismo.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

📸: NIA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us