Padedeklara sa buwan ng Abril bilang National Basketball Month, aprubado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pagkilala sa isa sa pinakapopular na laro sa bansa, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 8268 para ideklara ang buwan ng Abril bilang National Basketball Month.

Sa botong 272 na pag-sang-ayon, inaprubahan ng Kamara ang panukala bilang pagkilala sa ambag ng basketball sa kulturang Pilipino at pagsusulong ng ‘healthy lifestyle’.

Dito, inaatasan ang Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Philippine Olympic Committee (POC), Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Games and Amusements Board (GAB), Department of the Interior and Local Government (DILG), at kaukulang National Sports Association (NSA), na maglalatag at magpapatupad ng taunang programa at aktibidad.

Kabilang sa isang buwang pagdiriwang ang pagdaraos ng mga basketball event para sa lahat ng edad sa mga lokal na parke at community centers sa buong bansa; inter-barangay basketball leagues o friendly games; libreng basketball training at coaching; exhibition o demonstration games ng professional players; paralympic basketball at iba pa.

Una nang sinabi ni Youth and Sports Development Committee Chair Faustino Michael Carlos Dy, na napapanahon ang pagpapasa ng panukala sa hosting ng Pilipinas ng 2023 FIBA Basketball World Cup na bubuksan sa August 25. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us