House Agri-Panel, kontento sa paghahanda ng DA sa posibleng epekto ng El Niño sa suplay ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang nakikitang masama si House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga sa planong pag-aangkat ng bigas ng Department of Agriculture (DA).

Hindi rin aniya masasabi na taliwas ito sa pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sapat ang suplay ng bigas.

Punto ng kinatawan, ang gagawing pag-aangkat ng DA ay bilang paghahanda lamang sakaling mas malala sa inaasahan ang magiging epekto ng El Niño sa bansa sa huling quarter ng taon.

Batay sa briefing ng DA sa komite, inirekomenda ng ahensya ang pag-aangkat ng 500,000 metric tons (MT) ng bigas sa pagitan ng November 15, 2023 at January 21, 2024.

Nasa 200,000 hectares kasi ng palayan ang hindi matatamnan ng bigas oras na tumama na ang El Niño.

Magkagayunman, mahalaga ani Enverga na mabantayan ang ‘last stretch’ ng mga buwan bago ang anihan.

Ito kasi aniya ang kritikal na mga panahon kung saan maaaring manamantala ang mga hoarder at cartle at mag-ipit ng suplay sa mga warehouse.

Kaya naman suportado aniya nila ang pinaigting na monitoring ng Department of Agircultre at magig ng Department of Trade and Industry (DTI).

“Tama naman ang ginagawa ng DA, assuming that their data is right. Tama ang ginagawa nila, that they are ensuring that we have alternatives which is particular nga yung Vietnam option. Of course, the supply is there. Our worry, sinabi ko na rin sa kanila, is the price should be managed. So yung presyo ang kailangang bantayan rito kasi very ripe din yung situation na pwede pagsamantalahan na naman tayo. So I am thankful that he has put to task DA together with DTI to make sure that the supply is not being hoarded,” ani Enverga. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us