German Ambassador to the Philippines, ipinangako kay Pangulong Marcos Jr. ang pagpapatatag pa ng kooperasyon sa trade, investment, at iba pang linya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang paniniwala sa posibilidad at potensyal ng pagpapaigting pa ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Germany.

Sa presentasyon ng credentials ni German Ambassador to the Philippines H.E. Andreas Michael Pfaffernoschke, ipinaliwanag ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapayabong pa ng mga ganitong ugnayan, hindi lamang sa usapin ng kalakalan, diplomasya, at politika bagkus ay para na rin sa people-to-people relations.

Sa panig naman ng ambassador, nagpahayag ito ng intensyon na makapag-ambag sa pagpapalalim pa ng samahan ng dalawang bansa.

Partikular aniya sa investment at economic cooperation, climate change adaptation and mitigation, at maging sa pagpapanatili ng international order, na nakabase sa United Nations (UN) Charter.

Ang diplomatic relations ng Pilipinas at Germany ay pormal na natatag noong 1954. Mula noon, maraming mga proyekto sa iba’t ibang linya ang pinagtulungan na ng dalawang bansa.

Kabilang dito ang proyekto para sa environment, climate, biodiversity at disaster risk reduction, maging ang peace process sa Mindanao.

Gayundin ang human rights, people to people exchanges, at commitment sa rules-based order sa rehiyon ay itinuturing na top policy ng Germany sa Pilipinas.

Ipagdiriwang ng dalawang bansa ang kanilang ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations sa 2024. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us