Malabo pang maipatupad ang 24-hour operation ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3, dahil sa hindi nito kayang i-delay o paiksiin ang night time maintenance activities ayon sa pamunuan nito.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Engr. Oscar Bongon, sumasailalim sa scheduled maintenance activities ang lahat ng train sets nito matapos ang huling biyahe sa gabi hanggang bago ang unang biyahe nito kinabukasan.
Binanggit rin ni Bongon, na ang anumang delay sa maintenance schedule ay makakaapekto sa iba pang bahagi ng rail system.
Sinabi rin ng opisyal, na ang extended na operation hours ay hindi feasible para sa linya.
Dagdag pa niya, kabilang sa nighttime maintenance ng mga tren ang inspection, paglilinis, trouble-shooting, washing, shunting or uncoupling, iba pang preventive activities, at marami pang iba.
Plano rin ng MRT-3, na magpatakbo ng four-car train sets upang marami pang maisakay na pasahero mula sa kasalukuyang 24 na three-car trains. | ulat ni Gab Villegas