Dobleng entry sa 4Ps, sinimulan nang ayusin ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na sinimulan na nitong alisin ang mga duplicate o dobleng entry ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ito ay matapos mapag-alaman sa Commission on Audit o COA report na umabot sa P7 milyon ang naging overpayment ng ahensya mula 2020 at 2021 dahil sa 4Ps duplicate entries.

Ayon kay DSWD Sec. Romel Lopez, kasalukuyan nang nagsasagawa ang ahensya ng validation kasama ang National Household Targeting Office sa mga pamilyang tinukoy ng COA.

Lumalabas din sa ginagawang validation process na 186 sa 316 na pamilyang ni-review ay may duplicate na entry sa 4Ps.

Dagdag ni Lopez, agad nilang aalisin ang mga duplicate entries upang maiwasan ang overpayment.

Matatandaang sa 2020 at 2021 COA report, lumalabas na umabot sa 368 ang bilang ng mga pamilyang may duplicate. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us