Dating House Speaker Alvarez, sumulat para ihayag ang pagtutol sa expulsion ni Teves

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumulat ngayong araw si dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez kay House Majority Leader Mannix Dalipe, upang ihayag ang kanyang pagtutol sa expulsion ni dating Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr.

Hiling ni Alvarez na maipasok sa record at journal ng Kamara ang kaniyang ‘no’ vote.

Para sa dating House Speaker, ang ‘absence without leave’ at pagkuha ni Teves ng political asylum sa Timor-Leste ay hindi sapat na dahilan para tanggalan ng halal na kinatawan ang mga taga-Negros Oriental 3rd district.

Punto pa ng mambabatas na kung may kaugnayan man talaga si Teves sa pagkamatay ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay hayaan na ang korte ang tumalakay at humusga dito.

265 na mambabatas ang bumotong pabor sa pagpapatalsik kay Teves habang nag-abstain ang tatlong kongresista mula Makabayan bloc. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us